Nakakatulong ang kalidad ng event para maunawaan mo kung kapaki-pakinabang sa pagsukat ang impormasyon ng conversion na natanggap mula sa napili mong pinagmumulan ng data. May sariling pagtatasa ang bawat pixel o pinagmumulan ng data. Itinuturo ng iyong score at mga babala ang mga bahagi ng setup mo na kailangang suriin. Hindi hinuhulaan ng mga ito ang performance ng campaign o ginagarantiyang maitutugma ang isang conversion sa isang ad.
Nire-refresh araw-araw ang kalidad ng event gamit ang 7 buong araw sa kalendaryo, na may palugit para dumating ang mga kamakailang event. Pagkatapos baguhin ang iyong setup, tiyaking dumarating ang mga bagong event gaya ng inaasahan. Maaaring unti-unting makita ang mga pagpapahusay habang hindi na nasasama ang mga naunang event sa panahong sakop ng pagtatasa. Kung maantala ang pag-refresh, mananatiling nakikita ang dati mong score hanggang may mas bagong pagtatasa.

Gamitin ang mga babala
Buksan ang mga babala para sa napili mong pinagmumulan ng data at suriin ang bawat isyu. Magsimula sa mga isyung masusuri mo sa iyong integration, gaya ng nawawalang impormasyon para sa pagtutugma, mga naantalang server event, o paulit-ulit na pag-trigger ng event. Gamitin ang gabay sa ibaba para imbestigahan ang sanhi bago baguhin ang iyong setup.
Ipadala lang ang impormasyong pinapayagan kang ibahagi at igalang ang mga pasya ng tao tungkol sa privacy at pahintulot. Gumamit ng totoong impormasyon ng customer at aktuwal na mga pagkilos sa negosyo. Huwag magpadala ng mga dagdag na event, mag-imbento ng mga identifier, o magbago ng mga oras ng event para tumaas ang score.
Limitadong impormasyon ng email o customer ID
Ang ibig sabihin nito: Limitadong impormasyon ng email o hindi nagbabagong customer ID ang nakita namin sa mga conversion event na kwalipikado para sa pagsusuring ito. Makakatulong ang mga identifier na ito na maiugnay ang mga event sa tamang tao. Maaari ding magpahiwatig ng isyu sa pagproseso o integration ang mababang resulta, kaya suriin kung ano talaga ang ipinapadala ng iyong integration.
Ang dapat gawin:
Tiyaking may kasamang email address o sarili mong hindi nagbabagong customer identifier ang iyong mga kwalipikadong conversion event, gamit ang mga field na sinusuportahan ng iyong integration.
Panatilihin ang iisang customer identifier para sa iisang tao. Huwag gumamit ng iisang shared, placeholder, o default na identifier para sa magkakaibang tao.
Sundin ang mga tagubilin ng iyong integration para sa normalization at hashing. Suriin ang mga implementasyon sa browser at server kung pareho mong ginagamit ang mga ito.
Subukan ang isang nakumpletong conversion sa karaniwang prosesong dinaraanan ng iyong customer at tiyaking naroon ang mga inaasahang field.
Wala o hindi maiugnay ang impormasyon ng pag-click sa ad
Ang ibig sabihin nito: Walang kasamang impormasyon ng pag-click na maiuugnay sa mismong pag-click na iyon ang ilang tinasa na conversion na nauugnay sa pag-click sa ad. Sakop ng pagsusuring ito ang mga conversion mula sa pag-click na maaari naming tasahin; hindi nito sinusukat ang bawat pag-click sa ad o bawat prosesong dinaraanan ng customer.
Ang dapat gawin:
Panatilihin ang parameter na oppref kapag napunta ang isang tao sa iyong site mula sa isang ad, pati sa mga pag-redirect at pag-navigate.
Kung nagpapadala ka ng mga conversion sa pamamagitan ng Conversions API, ipasa sa server event ang impormasyon ng pag-click mula sa prosesong dinaanan ng taong iyon.
Subukan ang buong daloy, kabilang ang mga tracking link, pag-redirect, checkout, at anumang pagpapasa sa pagitan ng browser at server.
Huwag gamitin ang impormasyon ng pag-click ng ibang tao o magpalit ng default na value.
Naantala ang mga event ng Conversions API
Ang ibig sabihin nito: Masyadong matagal bago dumating ang ilang server event na tinasa matapos ang nakatalang pagkilos, o hindi matasa nang tama ang oras ng mga ito. Tinitingnan sa pagsusuri kung natanggap ang event sa loob ng 1 oras mula sa pagkilos.
Ang dapat gawin:
Ipadala agad ang event pagkatapos makumpirma ang aktuwal na pagkilos sa negosyo.
Suriin ang mga naka-iskedyul na upload, queue, nabigong request, at pagkaantala sa muling pagtatangka.
Panatilihin ang orihinal na oras ng pagkilos kapag muling ipinapadala ang event. Huwag itong palitan ng oras ng pag-upload.
Tiyaking tama ang format ng timestamp, mga yunit, at mga setting ng orasan sa iyong integration.
Kailangang suriin ang mga tugma ng conversion
Ang ibig sabihin nito: Inalis ang ilang posibleng tugma ng conversion habang sinusuri ang attribution. Maaaring sanhi nito ang paulit-ulit na callback para sa iisang pagkilos, hindi magkakatugmang oras, o masyadong maraming tugma na nauugnay sa iisang pagtingin sa ad. Hindi nito ibig sabihin na na-delete ang mga kaugnay na event ng negosyo o na hindi valid ang lahat ng apektadong event.
Ang dapat gawin:
Tiyaking nati-trigger ang conversion pagkatapos ng aktuwal na pagkilos, gaya ng nakumpirmang order o nakumpletong pagpaparehistro.
Suriin ang paulit-ulit na pag-load ng pahina, mga duplicate na tag, callback, at muling pagtatangka na maaaring magpadala ng iisang pagkilos nang higit sa isang beses.
Gumamit ng iisang event ID para sa mga kopya ng parehong pagkilos, kabilang ang mga kopya sa browser at server; gumamit ng magkakaibang ID para sa magkakaibang pagkilos.
Panatilihin ang orihinal na timestamp ng pagkilos at imbestigahan ang anumang hindi pagtutugma sa mga tala ng iyong negosyo.
Kung tama ang mga event at patuloy ang babala, makipag-ugnayan sa suporta at ibigay ang pinagmumulan ng data, mga pangalan ng apektadong event, saklaw ng petsa, at mga pagsusuring nakumpleto mo.
Maraming conversion ang nauugnay sa iisang pakikipag-ugnayan sa ad
Ang ibig sabihin nito: Di-pangkaraniwang dami ng mga conversion na maaari naming tasahin ang nakatuon sa ilang pag-click o pagtingin sa ad. Posibleng lehitimong makakumpleto ang isang customer ng maraming pagkilos pagkatapos ng isang pakikipag-ugnayan, kaya hindi sapat ang babalang ito lang para patunayang may mga duplicate na event o hindi valid na aktibidad.
Ang dapat gawin:
Suriin kung ang pag-load o pag-refresh ng pahina, callback, o muling pagtatangka ay paulit-ulit na nagpapadala ng iisang pagkilos sa negosyo.
Tiyaking may magkakaibang event ID ang magkakaibang pagkilos at napapanatili ang orihinal na event ID sa mga muling pagtatangka.
Suriin kung nati-trigger ang mga conversion event sa nilalayong yugto ng proseso ng customer.
Kung ang pattern ay kumakatawan sa aktuwal na paulit-ulit na pagbili o ilang lehitimong hakbang, panatilihin ang mga event na iyon at idokumento ang nangyayari kapag hiniling mo sa suporta na suriin ang babala.
Limitadong karagdagang impormasyon para sa pagtutugma
Ang ibig sabihin nito: Limitado ang karagdagang impormasyon para sa pagtutugma sa mga kwalipikadong conversion event. Isinasaalang-alang sa pagsusuring ito ang impormasyon ng telepono, pangalan at lokasyon, at ang kombinasyon ng IP address ng client at user agent. Sinusukat nito kung may impormasyon, hindi kung matagumpay na naitugma ang isang tao.
Ang dapat gawin:
Kung mayroon at puwedeng ibahagi, isama ang impormasyon ng telepono gamit ang field at format na sinusuportahan ng iyong integration.
Para sa impormasyon ng pangalan at lokasyon, ibigay ang pangalan at apelyido, postal code, at bansa ng iisang tao. Sundin ang mga kinakailangan sa hashing at normalization na nasa dokumentasyon.
Para sa mga server event, ipasa ang IP address at user agent ng aktuwal na client kung sinusuportahan ito. Huwag ipalit ang address ng iyong server o isang generic na user agent.
Patuloy ding magpadala ng kwalipikadong impormasyon ng email o hindi nagbabagong customer ID.
Limitadong mga uri ng event ang naobserbahan
Ang ibig sabihin nito: Limitadong aktibidad ang nakita namin sa mga karaniwang pangkat ng event na ginagamit sa pagsusuring ito: pag-browse, mga pagkilos sa gitna ng proseso, at mga nakumpletong resulta. Magkakaiba ang prosesong dinaraanan ng customer sa bawat negosyo, at hindi lahat ng yugto ay naaangkop. Hindi tinitiyak ng pagsusuring ito na kumpleto ang iyong buong funnel.
Ang dapat gawin:
Ilatag ang mga aktuwal na hakbang na dinaraanan ng iyong customer at tukuyin ang mga yugtong may kaugnayan sa iyong negosyo.
Suriin kung naitatala ang mga naaangkop na pagkilos, gaya ng pagtingin sa content; pagdagdag ng mga item, pagsisimula ng checkout, o pagsusumite ng lead; at pagkumpleto ng order, pagsisimula ng trial, o pag-book ng appointment.
Gumamit ng sinusuportahang standard event kung tumpak nitong inilalarawan ang pagkilos. Hindi kasama ang mga custom event sa partikular na pagsusuring ito ng lawak ng saklaw.
Subukang tiyakin na nati-trigger lang ang bawat event kapag naganap ang kaukulang pagkilos nito. Huwag gumawa ng mga artipisyal na yugto ng funnel para lang maalis ang babala.
Limitadong aktibidad sa Pixel at Conversions API
Ang ibig sabihin nito: Wala pa kaming nakikitang sapat na tinanggap na aktibidad mula sa mga sinusuportahang channel ng Pixel SDK o Conversions API para mabigyan ng positibong pagtatasa ang paggamit sa mga ito. Hindi sapat ang pag-install lang ng integration para matiyak na dumarating ang mga event.
Ang dapat gawin:
Tiyaking nagpapadala ang iyong Pixel SDK ng mga browser event at ang iyong Conversions API integration ng mga nakumpirmang resulta sa server, kung naaangkop ang bawat isa sa setup mo.
Tiyaking tinatanggap ang mga request at naipapadala ang mga ito sa nilalayong pinagmumulan ng data.
Kapag parehong nag-uulat ang dalawang channel ng iisang pagkilos, gamitin ang parehong Pixel ID, pangalan ng event, at event ID para matukoy ang mga kopya.
Panatilihing magkahiwalay ang mga event para sa magkakaibang pagkilos at huwag magpadala ng mga resulta bago mangyari ang mga ito.
Maaaring magbigay ng impormasyong nagpupuno sa isa't isa ang paggamit ng parehong channel. Hindi sapat ang aktibidad ng channel lang para matiyak ang tamang pagpapares o kumpletong pagtatala ng mga event.
Limitadong aktibidad para sa isang naka-configure na layunin sa conversion
Ang ibig sabihin nito: May kahit isang naka-configure na layunin sa conversion na kakaunti o walang natanggap na event sa panahong sakop ng pagtatasa. Maaaring may sapat na aktibidad ang ibang mga layunin kahit lumalabas ang babalang ito. Kasama sa mga natanggap na event para sa pagsusuring ito ang mga event na hindi naitugma sa isang ad.
Ang dapat gawin:
Ihambing ang pangalan ng event at configuration ng apektadong layunin sa mga event na ipinapadala ng iyong integration.
Tiyaking nati-trigger ang event kapag naganap ang aktuwal na pagkilos at natatanggap ang mga kamakailang event.
Suriin ang mga layuning luma na o hindi na kumakatawan sa mga pagkilos na gusto mong sukatin.
Kung talagang bihira ang pagkilos o mababa ang demand kamakailan, patuloy itong subaybayan. Hindi sapat ang mababang bilang lang para mapatunayang may depekto sa setup.
Bakit maaaring walang available na score o pagsusuri
Walang naka-configure na mga layunin sa conversion: Tiyaking na-configure mo ang mga pagkilos sa conversion na gusto mong sukatin at ipinapadala ng iyong integration ang mga kaukulang event.
Kulang ang aktibidad ng conversion: Maaaring walang sapat na kamakailang aktibidad ng conversion para makabuo ng makabuluhang score. Suriin ang iyong setup at maghintay na makaipon ng sapat na aktuwal na aktibidad. Iba ang status na ito sa score na zero.
Kulang ang ebidensya para sa attribution: Kailangan ng ilang pagsusuri ng nakikitang ugnayan sa pagitan ng mga conversion event at mga pag-click o pagtingin sa ad. Posibleng nakakatanggap ka ng mga event kahit limitado pa ang ebidensyang ito. Hindi nito ibig sabihin na walang aktuwal na conversion ang iyong negosyo.
Limitadong impormasyon para sa isang pagsusuri: Maaaring kailangan ng isang partikular na pagsusuri ng mas maraming kwalipikadong event o nakikitang aktibidad. Hindi itinuturing na bagsak sa pagsusuri ang kakulangan ng impormasyon, at hindi ito awtomatikong nagdudulot ng babala para sa advertiser.
Pinoproseso pa ang data: Maaaring walang available na score bago maging handa ang unang pagtatasa o kapag hindi pa kumpleto ang pinakabagong pagtatasa. Ang pagkaantala lang ng araw-araw na pag-refresh ay hindi nag-aalis ng kasalukuyang score. Bumalik kapag tapos na ang pagproseso. Kung patuloy itong hindi available, makipag-ugnayan sa suporta.
Pagkatapos gumawa ng pagbabago, unahin munang tiyakin kung naitatala na ng integration ang tamang mga pagkilos at impormasyon. Maaaring unti-unting magbago ang score habang umuusad ang panahong sakop ng pagtatasa, at walang score na gumagarantiya ng pagtutugma, attribution, o mga resulta ng campaign.
