Nakakatulong ang pagkontrol sa bilis ng paggastos ng badyet para hindi sabay-sabay ang paggastos ng iyong campaign. Habang nagbabago ang ad traffic at mga pagkakataong maipakita ang mga ad, inaayos ng Ads Manager ang pagpapakita ng mga ito para may matirang badyet para sa mga susunod na pagkakataon sa araw o sa takbo ng campaign.
Maaaring mag-iba ang iyong gastos bawat araw. Hindi ginagarantiya ng pagkontrol sa bilis ng paggastos na magiging pantay-pantay ang gastos o magagastos ng iyong campaign ang buong badyet nito.
Pagkontrol sa bilis ng paggastos ng pang-araw-araw na badyet
Para sa mga campaign na may pang-araw-araw na badyet, kinokontrol ng Ads Manager ang dalas ng pagpapakita ng mga ad sa buong araw. Ang iyong pang-araw-araw na badyet ay ang average na halaga bawat araw para sa linggo ng pagbabadyet mula Linggo hanggang Sabado, ayon sa timezone ng iyong ad account. Kaya maaaring mas mataas ang gastos sa ilang araw at mas mababa sa iba, basta pasok sa mga naaangkop na limitasyon sa paggastos.
Para sa mga detalye tungkol sa mga pang-araw-araw na badyet, limitasyon sa paggastos, at pagbabago sa badyet, tingnan ang Mga Pang-araw-araw na Badyet.
Pagkontrol sa bilis ng paggastos ng kabuuang badyet ng campaign
Para sa mga campaign na may kabuuang badyet, ginagamit ng Ads Manager ang natitirang badyet at iskedyul ng iyong campaign bilang batayan ng paggastos habang tumatakbo ito.
Kung mas mabilis kaysa sa nakatakdang bilis ang paggastos ng iyong campaign, maaaring bawasan ang dalas ng pagpapakita ng mga ad para may matirang badyet para sa mga susunod na pagkakataon. Kung mas mabagal naman ito kaysa sa nakatakdang bilis, maaaring magpatuloy ang pagpapakita ng mga ad para magkaroon ng pagkakataong makahabol. Nakakatulong ito na mabawasan ang hindi inaasahang maagang pagkaubos ng badyet, pero nakadepende pa rin ang aktuwal na paggastos sa mga pagkakataong maipakita ang mga ad.
Inirerekomenda naming magtakda ng petsa ng pagtatapos para maiayon ang bilis ng paggastos sa nilalayon mong tagal ng campaign.
Mga madalas itanong
Aabot ba ang kabuuang badyet ng aking campaign hanggang sa petsa ng pagtatapos nito?
Hindi palagi. Ang petsa ng pagtatapos ang huling araw na puwedeng magpakita ng mga ad ang iyong campaign, pero maaaring maubos ang badyet mo bago pa iyon. Nakakatulong ang pagkontrol sa bilis ng paggastos na pamahalaan ang gastos sa paglipas ng panahon, pero hindi nito ginagarantiyang aabot ang iyong badyet hanggang sa petsa ng pagtatapos.
Gaano kahaba ang panahong pinagbabatayan ng bilis ng paggastos para sa campaign na may kabuuang badyet?
Para sa mga campaign na may petsa ng pagtatapos, ginagamit ng Ads Manager ang natitirang panahon hanggang sa petsang iyon bilang batayan ng bilis ng paggastos, hanggang sa maximum na 365 araw sa kalendaryo. Ang mga campaign na walang petsa ng pagtatapos ay gumagamit ng default na 60 araw bilang batayan ng bilis ng paggastos.
Inirerekomenda naming magtakda ng petsa ng pagtatapos para maiayon ang bilis ng paggastos sa nilalayon mong tagal ng campaign. Gabay sa paggastos ang mga panahong ito; hindi garantiya ang mga ito na tatagal ang iyong badyet sa buong panahon o magagastos ito nang buo.
Puwede ba akong gumamit ng kabuuang badyet para sa campaign na walang petsa ng pagtatapos?
Oo. Gumagamit ang Ads Manager ng default na panahon na pagbabatayan ng bilis ng paggastos para sa mga campaign na may kabuuang badyet pero walang petsa ng pagtatapos. Magtakda ng petsa ng pagtatapos kung gusto mong isaalang-alang ang nilalayon mong iskedyul ng campaign sa pagkontrol sa bilis ng paggastos.
Ano ang mangyayari kung babaguhin ko ang kabuuang badyet o petsa ng pagtatapos ng aking campaign?
Muling kinakalkula ng Ads Manager ang bilis ng paggastos batay sa iyong na-update na badyet o iskedyul. Hindi dapat mas mababa sa halagang nagastos na ang binagong kabuuang badyet ng iyong campaign. Kapag itinakda mo ito sa halagang katumbas ng nagastos na, hihinto ang pagpapakita ng mga ad.
Mapapabilis ba ang paggastos ng aking campaign kung babaguhin ko ang diskarte ko sa pag-bid?
Hindi nawawala ang kontrol sa bilis ng paggastos ng kabuuang badyet ng campaign kapag binago mo ang iyong diskarte sa pag-bid. Maaari pa ring malimitahan ng mabababang bid ang pagpapakita ng mga ad at maging dahilan para mas mababa sa badyet ang magastos ng iyong campaign.
