Simula sa Disyembre, magiging iisa ang nakalaang paggamit sa ChatGPT at Codex para sa mga plan na Plus, Pro, at Business habang isinasama namin sa pangunahing karanasan sa ChatGPT ang mga kakayahan ng Work na kumilos bilang agent.
Susukatin ang paggamit mo ng ChatGPT at Codex sa mga token, ang mga yunit ng impormasyong pinoproseso at binubuo ng isang modelo. Ang makokonsumo mo sa nakalaang paggamit ay depende sa modelong pipiliin mo at sa gawaing ipapagawa mo rito. Karaniwang mas malaki ang nakokonsumo sa nakalaang paggamit kapag mas advanced ang modelo at mas kumplikado ang gawain. Hindi ibabawas sa nakalaan mong paggamit ang pakikipag-chat gamit ang Instant.
Maingat naming pinaghahandaan ang pagbabagong ito para makatulong na maiwasan ang pagkaantala sa mga daloy ng trabaho mo. Inaasahan naming para sa karamihan ng mga user, hindi magiging mas madalas kaysa ngayon ang paghihintay na ma-reset ang kanilang limitasyon sa paggamit. Makikita mo ang pinagsamang natitirang paggamit at mga oras ng pag-reset sa Mga Setting → Paggamit. Kung maabot mo ang limitasyon mo, puwede mong hintayin itong ma-reset, i-upgrade ang plan mo, o bumili ng credits para patuloy na magamit ang mga kwalipikadong feature.