Ang error na "Paumanhin, na-block ka" ay maaaring dulot ng mga IP block ng Cloudflare. Nangyayari ito kapag may natukoy na kahina-hinalang aktibidad.
Kung natatanggap mo ang error na ito, maaaring dahil ito sa:
Paggamit ng VPN: Minsan, maaaring mag-trigger ng block ang mga VPN dahil tinatago ng mga ito ang orihinal mong IP, na maaaring matukoy bilang kahina-hinala.
Heolokasyon: Kung nagmumula ang iyong IP sa isang high-risk na lugar, maaaring i-block ng Cloudflare ang iyong access.
Maaari kang muling magkaroon ng access kapag hindi na nakakatukoy ang Cloudflare ng kahina-hinalang aktibidad. Maaari mong subukan ang mga sumusunod na hakbang sa pag-troubleshoot:
I-off ang mga VPN: Kung gumagamit ka ng VPN, subukang i-off ito at i-access muli ang iyong account.
Baguhin ang iyong lokasyon: Kung posible, subukang kumonekta mula sa ibang lokasyong mas mababa ang panganib.
Hintayin muna: Para sa mga pansamantalang block, ang paghihintay muna bago muling subukang i-access ang aming platform ay magbibigay-daan para maalis ang block.
